Biyernes, Hunyo 20, 2014

PANALANGIN PARA SA BIRHEN NG NUESTRA SEÑORA DE LOS DOLORES DE TURUMBA.

PANALANGIN PARA SA BIRHEN NG NUESTRA SEÑORA DE LOS DOLORES DE TURUMBA.

(Paroquia ng San Pedro Alcantara, Archdiocese of Nuestra Señora de los Dolores de Turumba. Pakil, Laguna)

Manalangin;

Kahirap-hirapan at kalinis-linisang Virgen Maria,
Ina ng masintahing Anak na lubhang
Tigib ng lumbay sa lahat ng Ina sa mundo,
Naninikluhod po kami sa mahal mong marapan,
Ina naming maawain at nagpapatirapa sa mga mahal mong paa,
At tuloy nag aamo-amo sa Iyo ng buong pagpapakumbaba
Na kung itong awa at kagalingang hinihingi naming,
Ay magiging karangalan ng Panginoong Diyos
At ikagagaling nang kaluluwa naming,
Ay idalangin mo sa kapangyarihan niyang sakdal,
Na ipagkaloob sa amin,
At kung dili ay ang kanyang kasantosantusang kalooban
Tutupdin ko't pasasalamatan ng maging dapat
Kaming mag puri sa pagka-Dios niyang walang hanggan,
Na kasing isa ng Dios Ama at nang Espiritu Santo
Magpasawalang Hanggan.

Amen Jesus.

Awit alay sa Turumba;


Turumba, turumba Mariangga
Matuwa tayo't magsaya
Sumayaw ng Turumba
Puri sa Birheng Maria.
(sa Birhen)

Turumba, Turumba sa Birhen
Matuwa Tayo't mag-aliw
Turumba'y ating sayawin
Puri sa Mahal na Birhen.
(Sa Birhen)

Biyernes ng makita ka
Linggo ng iahon ka
Sumayaw ng turumba
Puri sa Birheng Maria.
(Sa Birhen)

Turumba, Turumba sa Birhen
Turumba, Turumba sa Birhen
Turumba'y ating sayawin
Puri sa Mahal na Birhen.
(Sa Birhen)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento