Biyernes, Hunyo 20, 2014

PANALANGIN PARA SA MAHAL NA NUESTRA SEÑORA DELA ROSA DE MACATI

PANALANGIN PARA SA MAHAL NA NUESTRA SEÑORA DELA ROSA DE MACATI. 1718

PANALANGIN

Oh, kalinis-linisang Birheng Maria,
Rosang walang kasing bango't dikit ang pag-ibig
na maningas sa Diyos.
Oh, maalab na Reyna,
bantog sa kabanalan at ganda
na kinaliligayahan ng Maykapal!

Ilingap mo nawa sa abang kaluluwa ko
iyang maawain mong mga mata
at maging lunas ka ng lahat ng
kasakitan ko at dusa.
Maging larawan ka't
salamin ng buhay na siyang halimbawa
sa ulirang bag-ibig ko
sa Diyos na dakila.

Ikaw ang lingkod na tumalimang
masigla sa kalooban ng Diyos na kaligtasan
ay ipagkaloob sa sangkatauhang
mahal niyang lubos.

At ang salita'y nagkatawang tao,
abu't abot na biyaya
ay kanyang handog.

Ihatid mo kami sa iyong anak na si Hesus
hanggang matapos
ang aming paglalakbay
patungo sa langit naming tahanan.

Kami ay iyong ingatan na sa pag-ibig
huwag magkulang.
maalab mong puso sa amin
sa tuwina'y magturo,
upang sundan si Hesus bilang daan,
katotohanan at buhay.

Kami ay iyong lingapin
ngayon at sa oras
ng aming kamatayan.

Amen.






Sts. Peter and Paul Parish Church
Poblacion, Makati City. Philippines

MEMORARE SA BIRHEN NG LUJAN QUASI

 ALALAHANIN MO
(The Memorare)

Alalahanin mo,
O lubos na mapagmahal na Birhenng Maria
na kailan man ay hindi natanto
na may dumulog sa iyong pagkalinga
at humingi ng tulong at nagmakaawa
ng iyong saklolo na iyong
di pinabayaan.

Taglay ang pag-asang ito
dumudulog kami sa iyo.
O Ina, kami'y nakaluhod
na makasalanan at namimighati.

O Ina ng Diyos na nagkatawang tao,
huwag mong hamakin ang aming pagdulog
at pangangailangan
at sa iyong habag,
ay dinggin at tugunin ang aming dalangin.

Amen.













Birhen ng Lujan Quasi Parish
Diocese of Caloocan

Bagong Barrio, Caloocan City
Institute of Incarnate Word, Philippines

MEMORARE TO THE BLESSED VIRGIN MARY OF GOOD GUIDANCE

MEMORARE TO THE BLESSED VIRGIN MARY OF GOOD GUIDANCE;

Remember, O most gracious Virgin Mary,
that never was it known that anyone
who fled to your protection,
implored your help or sought your intercession,
was left unaided.

Inspired by this confidence,
I fly onto you,
Oh Virgin of virgins, my Mother.

To you I come, before you I stand,
Sinful and sorrowful. Oh Mother
of the Word incarnate, despite not my petitions,
but in your mercy, hear and answer me. Amen.

Nuestra Señora de Guia, pray for us!









Recamadero Antonio S. Adriano

Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia.
M.H.Del Pilar corner A. Flores st., Ermita Manila, Philippines.

Ricky Palma

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG DEL PILAR DE IMUS

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG DEL PILAR DE IMUS.

Ama naming makapangyarihan,
ipagkaloob Mo sa amin ang lakas
upang alalayan kaming mahihina.

Pakundangan sa Mahal na
Birhen del Pilar, palakasin mo
ang aming pananampalataya,
patatagin ang aming pag-asa
at pag-alabin ang aming pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan,

Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...

MAHAL NA BIRHEN DEL PILAR
Aming lakas at kagalakan
Ipanalangin mo kami!


Amen.


Cathedral of Our Lady of the Pillars.
"Imus Cathedral"
General Castañeda st. Imus, Cavite

PANALANGIN PARA SA BIRHEN NG NUESTRA SEÑORA DE LOS DOLORES DE TURUMBA.

PANALANGIN PARA SA BIRHEN NG NUESTRA SEÑORA DE LOS DOLORES DE TURUMBA.

(Paroquia ng San Pedro Alcantara, Archdiocese of Nuestra Señora de los Dolores de Turumba. Pakil, Laguna)

Manalangin;

Kahirap-hirapan at kalinis-linisang Virgen Maria,
Ina ng masintahing Anak na lubhang
Tigib ng lumbay sa lahat ng Ina sa mundo,
Naninikluhod po kami sa mahal mong marapan,
Ina naming maawain at nagpapatirapa sa mga mahal mong paa,
At tuloy nag aamo-amo sa Iyo ng buong pagpapakumbaba
Na kung itong awa at kagalingang hinihingi naming,
Ay magiging karangalan ng Panginoong Diyos
At ikagagaling nang kaluluwa naming,
Ay idalangin mo sa kapangyarihan niyang sakdal,
Na ipagkaloob sa amin,
At kung dili ay ang kanyang kasantosantusang kalooban
Tutupdin ko't pasasalamatan ng maging dapat
Kaming mag puri sa pagka-Dios niyang walang hanggan,
Na kasing isa ng Dios Ama at nang Espiritu Santo
Magpasawalang Hanggan.

Amen Jesus.

Awit alay sa Turumba;


Turumba, turumba Mariangga
Matuwa tayo't magsaya
Sumayaw ng Turumba
Puri sa Birheng Maria.
(sa Birhen)

Turumba, Turumba sa Birhen
Matuwa Tayo't mag-aliw
Turumba'y ating sayawin
Puri sa Mahal na Birhen.
(Sa Birhen)

Biyernes ng makita ka
Linggo ng iahon ka
Sumayaw ng turumba
Puri sa Birheng Maria.
(Sa Birhen)

Turumba, Turumba sa Birhen
Turumba, Turumba sa Birhen
Turumba'y ating sayawin
Puri sa Mahal na Birhen.
(Sa Birhen)