Linggo, Hulyo 13, 2014

PRAYER TO OUR LADY OF THE ABANDONED, MANILA

PRAYER TO OUR LADY OF THE ABANDONED, MANILA


      Protect us Our Lady and Our Mother,
Protect our families, our people
the Philippine nation and the whole world.
Deliver us from wars and conflict.
Unite estrange hearts in the joy of
being your children, close to you.

Grant to those who enjoy materials
blessings eyes of mercy and a generous heart
give to all bread, shelter and a home filled with love.

Grant health to the sick,
patience to those who suffer illness,
comfort to the sorrowful,
cheerfulness to those who have lost it.
Take away error our minds and weakness
from our hearts.
Lead sinners to conversion, and the just
to the higher virtue.

Grant that we may singing your praise
and with Your name on our lips,
enter to behold you in heaven
together with your Son, Jesus Christ,
who lives and reigns with the Father
and the Holy Spirit, God forever and ever.

Amen.
(Pray Hail Mary 3x)

* * * * * * * * * * * * * * * * *








Pambansang Dambana ng Nuestra Señora de los Desamparados
Simbahan ng Fransiscanong Kaparian, Parokya ng Sta.Ana
Sta.Ana, Manila. Philippines

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG REMEDIOS



PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG REMEDIOS

Mahal na Birhen ng Remedios,
lumalapit kami sa iyo ngayon
upang hingin ang iyong bendisyon at tulong.

Buong paniniwalang ikaw ang tunay na sagot
sa lahat ng aming pangangailangan,
kaya't dumudulog kami sa iyo
sa pamamagitan ng panalanging ito,
bilang iyong mga anak at tagapaglingkod,
nananalig na ipamagitan mo kami
sa iyong Anak na si Hesukristo,
at makamit namin lahat ng kailangan
upang mamuhay na mas matuwid.

Aming Reyna, aming Ina,
tulungan mo kaming manalangin sa iyong Anak,
na sanay tugunin niya ang aming kahilingan
iniluluhog namin sa iyo.

(Tumigil at sabihin ang iyong mga kahilingan)

Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ng Mahal na Birhen ng Remedios.
Amen.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *


Nuestra Señora de los Remedios is often depicted in the act of handing a bag of money to St. John of Matha who, with others, purchased Christian slaves in the slave markets and set them free.

Our Lady of Remedies Parish
Malate Catholic Church
2000 M.H. del Pilar st.
Malate, Manila. Philippines.
Tel.Nos.: 523-2593 / 400-5876 / 400-5877
Fax No.: 524-6866
Email Add.: remedios@skynet.net

Feast Day: 3rd. Sunday of November
Mass and blessings of Children: 8:00 am every Saturday

Close up Photo of Our Lady of Remedies of  Malate credits to:
Abin Temyong of  Flickr.com



Sabado, Hulyo 5, 2014

PANALANGIN PARA SA BIRHEN CORONADA NG BIGLANG-AWA



MEMORARE

Alalahanin mo lubhang mahabaging Birhen Maria 

na kailan man ay hindi narinig

 na pinabayaan mong hindi sinaklolohan ang sinumang dumulog,

 tumawag at napaampon sa Iyo. 

Dala ng pag-asang ito, 

ako ay dumudulog naman sa Iyo,

Birheng Ina ng mga Birhen, 

nangahas akong humarap sa di matingkala mong harapan 

a hihibik-hibik sa bigat 

ng mga kasalanang dumadagan 

at umiinis sa akin.

 O Ina ng Diyos huwag mong walang halaga 

ang aking pag-aamo-amo 

kundi bagkus dinggin Mo at tanggaping malumanay. 

Amen.


* * * * * * * * * * * * * * *



Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora del Pronto Socorro
Boac, Marinduque
Official Page: www.Biglang-awa.org

Biyernes, Hunyo 20, 2014

PANALANGIN PARA SA MAHAL NA NUESTRA SEÑORA DELA ROSA DE MACATI

PANALANGIN PARA SA MAHAL NA NUESTRA SEÑORA DELA ROSA DE MACATI. 1718

PANALANGIN

Oh, kalinis-linisang Birheng Maria,
Rosang walang kasing bango't dikit ang pag-ibig
na maningas sa Diyos.
Oh, maalab na Reyna,
bantog sa kabanalan at ganda
na kinaliligayahan ng Maykapal!

Ilingap mo nawa sa abang kaluluwa ko
iyang maawain mong mga mata
at maging lunas ka ng lahat ng
kasakitan ko at dusa.
Maging larawan ka't
salamin ng buhay na siyang halimbawa
sa ulirang bag-ibig ko
sa Diyos na dakila.

Ikaw ang lingkod na tumalimang
masigla sa kalooban ng Diyos na kaligtasan
ay ipagkaloob sa sangkatauhang
mahal niyang lubos.

At ang salita'y nagkatawang tao,
abu't abot na biyaya
ay kanyang handog.

Ihatid mo kami sa iyong anak na si Hesus
hanggang matapos
ang aming paglalakbay
patungo sa langit naming tahanan.

Kami ay iyong ingatan na sa pag-ibig
huwag magkulang.
maalab mong puso sa amin
sa tuwina'y magturo,
upang sundan si Hesus bilang daan,
katotohanan at buhay.

Kami ay iyong lingapin
ngayon at sa oras
ng aming kamatayan.

Amen.






Sts. Peter and Paul Parish Church
Poblacion, Makati City. Philippines

MEMORARE SA BIRHEN NG LUJAN QUASI

 ALALAHANIN MO
(The Memorare)

Alalahanin mo,
O lubos na mapagmahal na Birhenng Maria
na kailan man ay hindi natanto
na may dumulog sa iyong pagkalinga
at humingi ng tulong at nagmakaawa
ng iyong saklolo na iyong
di pinabayaan.

Taglay ang pag-asang ito
dumudulog kami sa iyo.
O Ina, kami'y nakaluhod
na makasalanan at namimighati.

O Ina ng Diyos na nagkatawang tao,
huwag mong hamakin ang aming pagdulog
at pangangailangan
at sa iyong habag,
ay dinggin at tugunin ang aming dalangin.

Amen.













Birhen ng Lujan Quasi Parish
Diocese of Caloocan

Bagong Barrio, Caloocan City
Institute of Incarnate Word, Philippines

MEMORARE TO THE BLESSED VIRGIN MARY OF GOOD GUIDANCE

MEMORARE TO THE BLESSED VIRGIN MARY OF GOOD GUIDANCE;

Remember, O most gracious Virgin Mary,
that never was it known that anyone
who fled to your protection,
implored your help or sought your intercession,
was left unaided.

Inspired by this confidence,
I fly onto you,
Oh Virgin of virgins, my Mother.

To you I come, before you I stand,
Sinful and sorrowful. Oh Mother
of the Word incarnate, despite not my petitions,
but in your mercy, hear and answer me. Amen.

Nuestra Señora de Guia, pray for us!









Recamadero Antonio S. Adriano

Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia.
M.H.Del Pilar corner A. Flores st., Ermita Manila, Philippines.

Ricky Palma

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG DEL PILAR DE IMUS

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG DEL PILAR DE IMUS.

Ama naming makapangyarihan,
ipagkaloob Mo sa amin ang lakas
upang alalayan kaming mahihina.

Pakundangan sa Mahal na
Birhen del Pilar, palakasin mo
ang aming pananampalataya,
patatagin ang aming pag-asa
at pag-alabin ang aming pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan,

Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...

MAHAL NA BIRHEN DEL PILAR
Aming lakas at kagalakan
Ipanalangin mo kami!


Amen.


Cathedral of Our Lady of the Pillars.
"Imus Cathedral"
General Castañeda st. Imus, Cavite